Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Marikina umabot na sa 325

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa lungsod ng Marikina.

Base huling datos mula sa Marikina PIO Facebook page (3:00 PM Miyerkules, June 24) pumalo na sa 325 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus kung saan siyam ang nadagdag.

Sa nasabing bilang, 138 ang active cases.

Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths sa lungsod ay nanatili sa 30.

Nasa 157 naman ang bilang ng naka-recover o gumaling na sa sakit.

Read more...