Operasyon ng isang bakeshop sa Pasig City, sinuspinde dahil sa hindi pagsusuot ng face masks

Nahuli ng Pasig Surveillance Team ang isang bakeshop kung saan hindi nagsusuot ng face masks ang mga empleyado.

Sa Twitter, ibinahagi ni Mayor Vico Sotto ang larawang nakunan ng Pasig Surveillance Team sa bakeshop.

Dahil dito, sinuspinde nang isang linggo ang operasyon ng bakeshop.

Nagpaalala naman ang alkalde sa mga may-ari ng negosyo na sundin ang health protocols laban sa COVID-19.

“We want you to be able do business smoothly. So please make sure you are following our health protocols,” pahayag ni Sotto.

Read more...