25 LSIs sa Western Visayas, nagpositibo sa COVID-19

Nagpositibo ang 25 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.

Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development, mga locally stranded individual (LSI) ang naitalang bagong kaso ng nakakahawang sakit sa rehiyon.

Sa datos hanggang June 24, umakyat na sa 228 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Western Visayas.

Nakasailalim ang mga bagong COVID-19 patient sa quarantine facility.

Samantala, umakyat naman sa 121 ang mga gumaling sa Western Visayas.

Kabilang dito ang dalawang LSI at isang repatriated overseas Filipino worker (OFW).

Nananatili pa rin sa 11 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.

Read more...