Ayon kay House Ways and Means Committee chairman Joey Sarte Salceda, aaprubahan ng Kongreso ang iba’t ibang tax measures na magpapalakas sa credit ratings ng bansa at para gawing mas mura ang mga pautang.
Kabilang na aniya rito ang pagbubuwis sa digital economy at sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) na inaasahang magbubunga ng P29.1 billion at P45 billion na karagdagang kita sa pamahalaan kada taon.
Bukod dito, P205 billion dagdag na revenue sa loob ng limang taon naman ang malilikom mula sa Motor Vehicles Road User’s Tax.
Iginiit ni Salceda na dapat umutang na sa ngayon ang pamahalaan katulad ng ginagawa ng karamihan sa mga mayayamang bansa dahil kung hindi ay lalo lamang lalala ang problema sa balance sheet.
Nauna nang inanunsyo ng Bureau of Treasury na umabot sa P562.2 billion ang budget deficit mula Enero hanggang Mayo 2020.