Ulat ukol sa umano’y pagsasagawa ng face-to-face classes sa Hulyo, hindi totoo – CHED

Nilinaw ng Commission on Higher Education (CHED) na hindi totoo ang mga ulat na pagsasagawa ng pilot testing ng face-to-face classes sa buwan ng Hulyo.

Ayon kay CHED Chairman Prospero De Vera III, bumubuo pa sila ng mga panuntunan para sa posibleng limitadong face-to-face classes sa low risk modified general community quarantine (MGCQ) areas.

“CHED, in consultation with the Department of Health (DOH), is now crafting guidelines for possible limited face-to-face classes in low risk MGCQ areas as part of the flexible learning system,” pahayag ni De Vera.

Plano aniyang isumite ng CHED ang guidelines sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) sa huling linggo ng Hunyo o unang bahagi ng Hulyo.

Sinabi pa nito na personal niyang bibisitahin ang higher education institutions (HEIs) na magsasagawa ng redesign sa kanilang classrooms, libraries, auditoriums, cafeterias at iba pang pasilidad base sa health protocols at guidelines, at kung kayang gawin ang limitadong face-to-face classes sa low risk MGCQ areas.

“I will do this in July and recommend to the IATF the applicable policies for the opening of classes in August,” ani De vera.

“The IATF last May 13, 2020 has approved the opening of classes for HEIs that will use flexible learning in August. So there will be no face-to-face classes in July 2020,” dagdag pa nito.

Read more...