Aboitiz Group magpapatupad na rin ng lay off sa kanilang mga empleyado

Nakatakda nang mag lay off ng empleyado ang isa sa mga malalaking kumpanya sa bansa na Aboitiz Group.

Sa statement sinabi ng Aboitiz Group, ang pasya ay matapos i-review ang kanilang operasyon ngayong mayroong krisis ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa pahayag, epektibo ang lay off sa mga apektadong manggagawa sa July 31, 2020.

Hindi naman binanggit ng Aboitiz Group kung ilan ang maaapektuhan ng lay off.

Pero tiniyak ng kumpanya na tatanggap sila ng separation package.

Ang Aboitiz Group ang nagmamay-ari sa Aboitiz Power Corp., Aboitiz Land, Aboitiz Infracapital, Pilmico Foods Corp., at Union Bank of the Philippines.

 

 

Read more...