Mahigit 12,000 OFWs makababalik na sa trabaho sa Hong Kong

Aabot sa mahigit 12,000 Overseas Filipino Workers ang babalik na sa trabaho sa Hong Kong sa mga susunod na buwan.

Ayon kay Consul General Raly Tejada
Philippine Consulate General sa Hong Kong, 7,900 ang mga bagong OFW habang nasa 4,700 na OFW ang balik sa Hong Kong dahil nakahanap ng bagong employer.

Ayon kay Tejada, otomatikong sasailalim sa 14 na quarantine period ang mga OFW na darating sa Hong Kong.

Sagot na aniya ng mga employer ang gastos sa quarantine facility ng mga OFW.

Patuloy din aniyang nakikipag-ugnayan ang konsulada ng Pilipinas sa pamahalaan ng Hong Kong para masiguro ang kapakanan ng mga OFW.

 

 

Read more...