Pahayag ito ng Palasyo matapos bigyan ng espesyal na trabaho ni Pangulong Duterte si Cimatu bilang tagapamahala sa pagresponde ng pamahalaan sa COVID-19 sa Cebu City.
Ang Cebu City na ang nakapagtala ng may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa buong bansa kung saan pumalo na sa mahigit 4,000.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, pansamantala lang naman ang appointment ni Cimatu sa Cebu.
Umaasa rin kasi aniya ang palasyo na maiksing panahon lamang ang gugulin ni Cimatu sa pagtutok sa Cebu.
Ayon kay Roque, ilang beses na rin na binigyan ng espesyal na misyon si Cimatu.
Matatandaang iniatang din ng pangulo ang responsabilidad kay Cimatu nang ipasara ng anim na buwan ang Boracay para sa rehabilitasyon.