P3M halaga ng shabu nakumpiska sa high value target sa Marikina City

Arestado ang isang high value target na suspek sa ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Calumpang, Marikina City.

Ayon sa ulat ng Eastern Police District (EPD) aabot sa 450 na gramo ng hinihinalang shabu ang nakuha mula sa suspek.

Tinatayang aabot sa P3 milyon ang halaga ng nakumpiskang ilegal na droga.

Ayon sa EPD, ang 32 anyos na suspek ay bagong tukoy lamang na high value target sa eastern part ng Metro Manila.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa suspek.

 

 

 

 

Read more...