Kaso ng COVID-19 sa Brazil mahigit 1.1 million na

Umabot na sa mahigit 1.1 million ang total cases ng COVID-19 sa Brazil.

Sa huling datos, ang Brazil ay nakapagtala na din ng mahigit 52,000 na nasawi dahil sa nasabing sakit.

Mayroon namang mahigit 613,000 na pasyente ng COVID-19 sa Brazil ang gumaling na.

Habang mahigit 485,000 pa ang aktibong kaso.

Ang Brazil ay pangalawa na sa mga bansa sa mundo na mayroong pinakamaraming kaso at pinakamaraming nasawi sa COVID-19 kasunod ng Estados Unidos.

 

Read more...