Governor Generoso, Davao Oriental niyanig ng magnitude 3.5 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 300 kilometers southeast ng bayan ng Governor Generoso, alas-7:02 ng umaga ng Miyerkules (June 24).

May lalim na 195 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang intensities.

Hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

 

 

Read more...