Kaso ng COVID-19 sa QC halos 3,000 na

Umakyat na sa halos 3,000 ang kauuang bilang ng nakumpirmang kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

Sa pinakahuling datos ng QC Local Government, 2,965 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 2,886 ang kumpirmado ng Department of Health at tukoy ang kumpletong address.

2,849 naman ang validated na ng QC Epidemiology and Surveillance Unit.

Mayroong 971 na aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod habang 1,658 naman ang gumaling na.

220 naman ang bilang ng mga nasawi.

 

 

Read more...