Antas ng tubig ng Angat dam muling nabawasan sa magdamag

Muling nabawasan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 188.30 meters alas-6:00 umaga ng Miyerkules (June 24) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 188.36 meters.

Nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 100.84 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 100.94 habang bahagyang nadagdagan ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 75.72 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 75.70 meters.

Samantala, nabawasan din ang water level ng San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams habang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Ambuklao at Binga dams.

 

 

Read more...