60 stranded Pinoys sa India, nakauwi na ng Pilipinas

Nakauwi na ng Pilipinas ang 60 stranded Filipinos sa India, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Sinalubong ng ilang tauhan ng kagawaran ang pagdating ng mga Filipino sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Martes ng hapon.

Ito na ang ika-limang batch ng repatriates mula sa India simula nang magkaroon ng COVID-19 pandemic.

Kasabay ng paggunita ng ika-122 founding anniversary, tiniyak ng DFA na patuloy nilang pangangalagaan ang kapakanan ng overseas Filipinos sa iba’t ibang panig ng mundo.

Read more...