Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang June 23, umakyat na sa 203 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
– 44-anyos na lalaking residente ng Binalbagan, Negros Occidental
– 24-anyos na lalaking residente ng San Carlos City, Negros Occidental
– 50-anyos na lalaking residente ng Calatrava, Negros Occidental
– 34-anyos na lalaking residente ng La Carlota City, Negros Occidental
– 30-anyos na babaeng residente ng Bingawan, Iloilo
– 26-anyos na lalaking residente ng Bacolod City
Sa ngayon, nakasailalim ang mga bagong COVID-19 patient sa quarantine facility.
Samantala, umakyat naman sa 118 ang mga gumaling sa Western Visayas.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
– 48-anyos na lalaking residente mula sa Kalibo, Aklan
– 46-anyos na babaeng residente ng City Proper, Iloilo City
– 48-anyos na lalaking residente sa Tapaz, Capiz
– 23- anyos na babaeng residente sa Pavia, Iloilo
Nananatili pa rin sa 11 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.