Total lockdown hindi uubra sa Senado – Senate Pres. Tito Sotto

Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na hindi uubra na ipatupad ang total lockdown sa Senado matapos mag-positibo sa COVID-19 ang dalawang empleado.

Katuwiran ni Sotto, may mga mahahalagang trabaho at pagdinig na kailangang isagawa at aniya, hindi rin mapo-proseso ang suweldo ng mga empleyado kapag nagpatupad ng total lockdown.

Sa ngayon ay nasa sine die adjournment ang Senado at nasa semi lockdown na.

May mga empleado na hiniling ang total lockdown ngunit bilin ni Sotto, hindi pipilitin na pumasok ang mga ito.

Simula noong Marso at base sa impormasyon mula sa Senate Medical and Dental Bureau, nakapagtala na ng 16 COVID 19 cases at sa bilang ay may 13 nang naka-recover, may isang namatay at dalawa ang aktibo pang kaso.

Sa naturang bilang din, 10 ang empleado at anim naman ang staff sa senators’ offices.

Read more...