Ayon sa Department of Health Center for Health Development (DOH CHD) – Bicol, nagpositibo ang 56-anyos na lalaking residente ng Legazpi City, Albay.
Nagkaroon ang pasyente ng travel history sa Muntinlupa City.
Asymptomatic naman ang pasyente at nananatili sa isang LGU quarantine facility.
Sinabi ng DOH CHD Bicol na dumating sa Legazpi City ang pasyente sa pamamagitan ng Cebu Pacific flight na 5J 325 noong June 18.
Sa huling datos, nasa 90 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa nasabing rehiyon.
MOST READ
LATEST STORIES