2 Chinese timbog sa pagkulong sa dalawang kababayan dahil sa utang

Nailigtas ng Makati City Police ang dalawang Chinese citizens sa kamay ng kanilang dalawang kababayan.

Nagkasa ng rescue operations ang mga pulis-Makati sa isang Xu Yan, 26-anyos, base sa sumbong ng Filipina girlfriend nito na si Marissa Guillermo, 24-anyos, na simula pa noong Marso 15 ay hindi na pinalabas ang kanyang boyfriend sa isang unit sa Kroma Tower, Barangay San Lorenzo.

Kasama ang isang opisyal ng condominium building, pinuntahan ng mga pulis ang Unit 3820 at nailigtas si Xu kasama ang isang Guoting Wang, 31-anyos.

Inaresto naman sina Wen Guangyuan, 26-anyos, at Li Bing, 24-anyos.

Nalaman na ang pagkulong kay Xu ng dalawang kababayan ay dahil sa utang.

Nahaharap ngayon sa kasong illegal detention sina Wen at Li.

Read more...