Bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19, 516 na

Nadagdagan pa ang bilang ng kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Sa huling datos mula sa PNP (Martes, June 23 6PM) siyam ang bagong napaulat na nagpositibo sa virus kaya umakyat na sa 516 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19.

Sa nasabing bilang ay mayroong 294 na pulis na nakarecover kung saan pito ang bagong naitalang gumaling sa sakit.

Ang COVID-19 related deaths ay nanatili sa siyam.

Tumaas din ang bilang ng probable case ng COVID-19 sa PNP na nasa 679 na at 865 naman ang suspected case.

Pinayuan ng PNP ang lahat ng kanilang mga tauhan na agad makipag-ugnayan sa PNP Health Service kung makararanas ng sintomas ng COVID-19.

Read more...