Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Marikina umabot na sa 316

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa lungsod ng Marikina.

Base huling datos mula sa Marikina PIO Facebook page (3:00 PM Martes, June 23) pumalo na sa 316 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus kung saan dalawa ang nadagdag.

Sa nasabing bilang, 136 ang active cases.

Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths sa lungsod ay nanatili sa 30.

Nasa 150 naman ang bilang ng naka-recover o gumaling na sa sakit.

Read more...