Pulong para makatulong sa OFWs, ipinatawag ng Kamara

Isang pulong ang isasagawa ng Kamara sa araw ng Biyernes, June 26, upang pag-usapan ang mga tulong na kinakailangan pang ibigay sa mga Overseas Filipino Workers.

Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, kasama sa ipinatawag na pulong ang iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan.

Dito, aalamin kung paano mapapabilis at mapapadali ang repatriation process ng mga OFW na apektado ng COVID-19 pandemic.

Maglalatag din ng plano para sa reintegration at balik trabaho para sa mga OFW.

Sabi ni Cayetano, paraan ito upang masunod ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na para sa mabilis at magaan na pagpapa-abot ng ayuda sa mga naapektuhan ng pandemya.

Sa kasalukuyan ay mahigit sa 55,000 na mga OFWs ang napauwi na sa Pilipinas mula pa noong magsimula ang COVID-19 pandemic.

Read more...