Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Martes ng hapon (June 23), umabot na sa 31,825 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sinabi ng kagawaran na 1,150 ang napaulat pang kaso ng COVID-19 kung saan 789 ang “fresh cases” habang 361 ang “late cases.”
Nasa siyam na pasyente ang nasawi kung kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 1,186 na.
Ayon pa sa DOH, 299 ang gumaling pa sa pandemiya sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 8,442 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
MOST READ
LATEST STORIES