Pasok sa mga korte sa Maynila sa June 24, suspendido

Walang pasok ang lahat ng korte sa Lungsod ng Maynila sa Miyerkules, June 24.

Sa Twitter, inanunsiyo ng Supreme Court Public Information Office na ito ay alinsunod sa Proclamation No. 969 kung saan idineklarang special non-working holiday sa Maynila sa nasabing pesta.

Kasunod ito ng selebrasyon ng ika-449 Founding Anniversay ng Maynila.

Nakasaad pa sa naturang proklamasyon na sa pagdaros ng mga aktibidad, pinayuhan ang lahat na pairalin pa rin ang social distancing at public health measures laban sa COVID-19.

Read more...