Higit 100 pamilya, hindi pa rin makauwi sanhi ng nasusunog na LPG plant sa Calaca, Batangas

 

Nananatili sa mga evacuation centers ang mahigit sa 100 pamilyang naapektuhan ng insidente sa pangambang madamay sila sa patuloy na pagsiklab ng apoy sa planta ng LPG na patuloy na nasusunog sa Calaca, Batangas.

Sisikapin ng mga kagawad ng pamatay-sunog na apulain ang apoy sa lumalagablab na depot ng LPG ng South Pacific Inc., sa loob ng 24 oras.

Hanggang sa kasalukuyan, nananatiling under control ang sitwasyon at patuloy na binobomba ng tubig ng mga kagawad ng pamatay-sunog ang apoy.

Paliwanag ni Engr. Ronnie Badidles, Business Develoment Head ng South Pacific, stable na rin ang sitwasyon ng dalawang empleyado ng LPG plant na isinugod sa pagamutan matapos ma-suffocate.

Kahapon, nag-ikot si DILG Sec. Mel Senen Sarmiento sa lugar ng sunog upang kumustahin ang operasyon ng mga tauhan ng BFP at ng lokal na pamahalaan ng Calaca at upang matiyak kung ligtas ang mga residenteng nakatira sa paligid ng planta.

Tinatayang nasa mahigit 7,000 metric tons ng LPG ang nakaimbak sa naturang planta na nagsisilbing ‘fuel’ o gatong ng naturang sunog na kinakailangang maubos bago maapula ang sunog.

Read more...