“The most important requirement is the medical certificate issued by a public health doctor. The pass issued by the police has no probative value,” diin ni Recto.
Katuwiran nito, hindi naman na maaring pigilan pa ng pulis ang pagbiyahe ng isang indibiduwal na mayroon ng medical clearance, maliban na lang kung ito ay may kinahaharap na kaso.
Giit pa ni Recto maraming istasyon ng pulisya sa bansa ang kulang na sa mga tauhan at marami pa ang nagbabantay sa mga checkpoints at nagpapatupad ng safety and health protocols.
Aniya sa halip na gumawa ng mas mahahalagang trabaho, nagiging abala pa ang mga pulis sa pag-asikaso ng travel pass applications.
“Dagdag pa dito, pinapatulong pa sila sa pag-distribute ng second wave ng ayuda. So on top of being a travel visa center, they’re also a pera padala force,” hirit pa ni Recto.