Naobserbahan ni Go na kailangan mabantayan ng husto ang mga hindi otorisadong pagbiyahe.
Aniya kung hindi kakayanin ng LGU’s na tanggapin ang kanilang mga mamamayan na ikinukunsiderang locally stranded individuals o LSIs makakabuti na hindi muna payagan ang mga ito na maka-biyahe.
Dapat din aniya tiyakin na ang LGUs ay may kakayahan na magsagawa ng testing, quarantine at maalagaan ang kanilang mga uuwing kababayan.
Sinabi ng senador na nakahanda siyang pag-aralan muli ang Balik Probinsiya at Hatid Tulong programs.
MOST READ
LATEST STORIES