Umabot na sa mahigit kalahating milyon ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa Russia.
Ang Russia ay mayroon nang mahigit 592,000 na total cases ng COVID-19.
Sa ngayon ang Russia ang pangatlong bansa sa mundo na may pinakamaraming bilang ng kaso ng sakit.
Sa kabila ng mataas na kaso, mababa ang bilang ng mga nasawi sa Russia kumpara sa ibang mga bansa.
Ang Russia ay mayroong mahigit 8,000 COVID-19 related deaths.
Mahigit 344,000 naman na pasyente ang naka-recover na sa nasabing bansa habang mayroon pa itong mahigit 239,000 na aktibong kaso.
MOST READ
LATEST STORIES