Panibagong kaso ng COVID-19 naitala sa Senado; 14-day lockdown posibleng ipatupad

Pinag-aaralan na ang pagpapatupad ng 14 na araw na lockdown sa Senado.

Ito ay makaraang makaraang may maitalang bagong kaso ng COVID-19 sa mga empleyado nito.

Ayon kay Senator Panfilo Lacson hindi niya tiyak ang bilang pero 2 hanggang 4 aniya ang bagong kaso.

Kahapon, araw ng Lunes (June 22) ay nagsagawa na ng disinfection sa Senado.

Sa isang panayam sinabi ni Senate President Tito Sotto III na pinag-aaralan na ang pagpapatupad ng lockdown sa buong gusali sa loob ng dalawang linggo.

Ang senate secretariat aniya ang magpapasya kung kailangan ang lockdown.

 

 

 

Read more...