83 bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Maynila

Karagdagang 93 kaso ng COVID-19 ang naitala sa Lungsod ng Maynila.

Ayon sa MHD/MEOC COVID-19 monitoring hanggang 12:00 ng tanghali ng Lunes (June 22), umakyat na sa 2,019 ang bilang ng tinamaan ng sakit sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 1,270 ang aktibong kaso.

Naitala ang pinakamataas na bilang ng active COVID-19 case sa Tondo 1 na may 350 cases.

Sumunod ang Tondo 2 may 148 aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Samantala, mayroon namang 14 na itinuturing na probable cases sa lungsod habang 810 ang suspected cases.

Umabot naman sa 620 ang naka-recover mula sa sakit sa Maynila habang 120 ang nasawi dahil sa COVID-19 pandemic.

 

 

Read more...