Pasay City, Taguig city nagpatupad ng pagbabago sa ipinatutupad na curfew hours

Kapwa nagpatupad ng pagbabago sa curfew hours sa lungsod ng Pasay at Taguig.

Sa Pasay City ipinasa ang City Ordinance No. 6114 kung saan mula sa alas 8:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga ay pinaikli na sa alas 10:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga ang curfew hours.

Ang adjustment sa curfew hours ay para mabigyan ng mas mahabang oras ang essential travel ng mga residente.

Samantala, sa Taguig City naman alas 10:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng madaling araw na ang bagong curfew hours.

Sa nasabing mga oras ay limitado ang pagbiyahe at paglabas-labas sa lungsod.

 

 

Read more...