Mahigit 24,000 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Brazil sa magdamag

Nakapagtala ng mahigit 24,000 pang bagong kaso ng COVID-19 sa Brazil sa nakalipas na magdamag.

Dahil dito, mahigit 1.1 million na ang total cases ng COVID-19 sa Brazil.

Umabot naman na sa mahigit 51,000 ang bilang ng nasawi sa nasabing bansa.

Sa huling datos, mahigit 579,000 na pasyente ng COVID-19 sa Brazil ang gumaling na.

Habang mahigit 480,700 pa ang aktibong kaso.

Ang Brazil ay pangalawa na sa mga bansa sa mundo na mayroong pinakamaraming kaso at pinakamaraming nasawi sa COVID-19 kasunod ng Estados Unidos.

 

 

Read more...