104 na volcanic earthquake naitala sa Mt. Kanlaon sa magdamag

Sa nakalipas na 24 na oras ay nakapagtala ng 104 na volcanic earthquake sa Mt. Kanlaon.

Ayon sa volcano bulletin ng Phivolcs, isa dito ang naramdaman at nakapagtala ng intensity sa bahagi ng La Carlota City.

Nakapagtala din ng weak emission ng steam-laden plumes mula sa crater ng bulkan na ang taas ay umabot sa hanggang 300 meters.

Nananatili sa alert level 1 ang Mt. Kanlaon na nangangahulugang hindi pa rin normal ang kondisyon nito.

 

 

Read more...