Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 188.36 meters alas-6:00 umaga ng Martes (June 23) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 188.45 meters.
Nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 100.94 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 101.08 habang bahagyang nadagdagan ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 75.70 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 75.55 meters.
Samantala, nabawasan din ang water level ng Binga, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams habang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Ambuklao dam.
MOST READ
LATEST STORIES