Bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19, 507 na

Nadagdagan pa ang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Sa huling datos mula sa PNP (Lunes, June 22 6PM) umakyat na sa 507 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 .

Sa nasabing bilang ay mayroong 287 pulis na nakarecover na kung saan nabawasan ito ng isa.

Si patient PNP-47 ay inilipat mula PNP-National HQ sa PRO-6 at bilang bahagi ng standard protocol ng PNP-PRO-6 muling isinailalim ang nakarecover na pulis sa swab testing kung saan ang naging resulta nito ay positibo.

Nadagdagan ng 1 ang COVID-19 related deaths kaya umabot na sa 9 ang nasawi.

Tumaas din ang bilang ng probable case ng COVID-19 sa PNP na nasa 652 na at 868 naman ang suspected case.

Pinayuan ng PNP ang lahat ng kanilang mga tauhan na agad makipag-ugnayan sa PNP Health Service kung makararanas ng sintomas ng COVID-19.

 

 

 

 

Read more...