Ayon sa PAGASA, ridge of high pressure area ang umiiral sa bansa kaya makararanas pa rin ng monsoon break sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.
Dahil dito, magiging mainit at maalinsangan ang panahon sa buong bansa.
Sa Metro Manila ngayong araw, posibleng umabot sa 34 degrees Celsius ang pinakamataas na antas ng temperatura.
Inaasahan namang aabot sa 36 degrees Celsius ang maximum na temperatura sa Tuguegarao City.
Makararanas lamang ng localized thunderstorms sa hapon o gabi dahil sa easterlies.
READ NEXT
DENR Sec. Roy Cimatu inatasan ni Pangulong Duterte na pangasiwaan ang pagtugon sa COVID-19 sa Cebu City
MOST READ
LATEST STORIES