Taas-presyo sa produktong petrolyo epektibo na

Nagpatupad ng dagdag sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis bukas.

Sa abiso ng mga kumpanya ng langis may dagdag na P1.05 sa kada litro ng gasolina; 30 centavos sa kada litro ng kerosene at 85 centavos sa kada litro ng diesel.

Epektibo alas 6:00 ngayong umaga ang taas-presyo ng Shell, Flying V, Petron, Sea Oil, Petro Gazz, Phoenix Petroleum, PTT, at Total.

Alas 12:01 naman ng madaling araw naging epektibo ang dagdag presyo ng Caltex.

Habang alas 4:01 naman ng hapon mamaya ang taas presyo ng Cleanfuel.

Read more...