Silay City, Negros Occidental niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang lalawigan ng Negros Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 12 kilometers northwest ng bayan ng Silay City, ala-1:25 madaling araw ng Martes (June 23).

May lalim na 5 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...