Ilang lugar sa Luzon, uulanin sa susunod na mga araw

Asahang makakaranas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon, ayon sa PAGASA.

Batay sa thunderstorm advisory bandang 1:02 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan sa Tarlac, Nueve Ecija, Bataan at Pampanga.

Uulanin din ang bahagi ng Zambales partikular ang Botolan, Iba, Candelaria at San Marcelino.

Ayon sa PAGASA, mararanasan ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.

Dahil dito, nagbabala ang weather bureau na mag-ingat sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

Read more...