Calayan, Cagayan niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang lalawigan ng Cagayan.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 30 kilometers northwest ng Calayan ala-12:21 ng tanghali ng Martes (June 23).

May lalim na 31 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Hindi naman nakapagtala ng intensities at wala ring inaasahang pinsala at aftershocks.

 

 

Read more...