COVID-19 cases sa Mandaluyong City, nasa 873 na

Pumalo na sa 873 ang bilang ng nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.

Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 4:00, Lunes ng hapon (June 22), 15 ang bagong napaulat na kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod.

Sa 873, 202 ang aktibong kaso.

164 ang itinuturing na probable cases habang 1,050 ang suspected cases kung saan 3,126 ang cleared na.

Nadagdagan naman ng 17 ang mga bagong gumaling.

Dahil dito, 607 na ang total recoveries ng COVID-19 sa nasabing lungsod.

Nananatili naman sa 64 na residente ng Mandaluyong ang pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.

Read more...