Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Marikina umabot na sa 314

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa lungsod ng Marikina.

Base huling datos mula sa Marikina PIO Facebook page (3:00 PM Lunes, June 22) pumalo na sa 314 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus kung saan 3 ang nadagdag.

Sa nasabing bilang, 134 ang active cases.

Ang bilang ng COVID-19 related deaths sa lungsod ay nanatili sa 30.

Nasa 150 naman ang bilang ng naka-recover o gumaling na sa sakit.

Read more...