Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 2,056

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Lunes (June 22, 3:00 PM) nakapagtala ng 28 na bagong kaso kaya pumalo na sa 2,056 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 489
Laguna – 616
Batangas – 273
Rizal – 532
Quezon – 146

Nasa 1,080 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 14 na bagong recoveries.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 194
Laguna – 338
Batangas – 178
Rizal – 263
Quezon – 107

Nadagdagan ng 3 ang COVID-19 related deaths kaya umabot na ito sa rehiyon sa 183.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 36
Laguna – 40
Batangas – 30
Rizal – 67
Quezon – 10

Read more...