Dating Montalban Mayor Pedro ‘Ping’ Cuerpo pumanaw na

Pumanaw na sa edad na 67 ang dating alkalde ng bayan ng Rodriguez na si Mayor Pedro ‘Ping’ Cuerpo.

Sa post sa official Facebook Page ng Barangay San Jose sa nasabing bayan, nagpaabot ito ng pakikidalamhati sa pagpanaw ni Cuerpo.

Bagaman wala pang opisyal na pahayag ang pamilya ni Cuerpo, dagsa na rin ang pakikiramay sa kanilang pamilya.

Nagpaabot na din ng pakikiramay ang lokal na pamahalaan ng Montalban.

Si Cuerpo ay dati nang na-stroke.

Naging alkalde ng Montalban, Rizal si Cuerpo noong 1995 hanggang 1998.

Noong 1998 elections ay muli siyang tumakbo pero natalo.

At noong 2001 ay muli syang nahalal bilang mayor ng bayan at nakatapos ng tatlong termino hanggang 2010.

 

 

Read more...