Database ng mga mahihirap na pamilya dapat gawin ng pamahalaan

Para sa mabilis na pamamahagi ng ayuda tuwing panahon ng krisis, iginiit ni Bagong Henerasyon partylist Rep. Bernadette Herrera na magkaroon na ng updated na database ng pinakamahihirap na pamilya sa bansa.

Sabi ng kongresista, kung merong database ay maiiwasan ang pagkaantala ng distribusyon ng cash asssistance gaya ng nangyari sa social amelioration program.

Tinukoy nito na isa sa mga dahilan kaya na-delay ang SAP distribution ay dahil sa pagtukoy ng mga benepisyaryong kuwalipikado sa programa.

Ayon kay Herrera, ang national database
ay dapat accessible sa pamamagitan ng website para merong transparency at accountability.

Sa ganitong paraan, matitiyak rin na ang mga pangalang lalamanin nito ay iyon lamang mga karapat-dapat na tumanggap ng ayuda at hindi iyong mga hindi kwalipikadong kaanak o taga-suporta ng mga opisyal ng barangay.

Pina-aapura na rin ng mambabatas ang implementasyon ng national identification system para sa mabilis na pagtugon tuwing merong krisis at kalamidad.

 

 

Read more...