Aktwal na gastos ng mga kumpanya ng langis ipinapasapubliko

Sa harap ng panibagong oil price hike, muling nanawagan ng transparency si Bayan Muna Rep. Carlos Zarate sa mga kumpanya ng langis.

Ayon kay Zarate, pang-pitong beses na itong magpapatupad ng big time oil price hike ang oil companies at wala pa ring linaw kung mayroon bang nangyayaring overpricing.

Iginiit ng kongresista na pwedeng gamitin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kapangyarihan nito sa ilalim ng Bayanihan Act sa isyu ng overpricing at unbundling ng presyo kada litro ng produktong petrolyo.

Bukod anya sa presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, walang nakakaalam ng aktuwal na gastos ng mga kumpanya sa pagbebenta ng langis gaya ng refining cost, storage, transportasyon, sweldo at advertising cost.

Binanggit rin nito na noong isang taon ay sinabi ng Department of Energy na kulang ang rollback ng oil companies ng 16 centavos per liter sa diesel at 24 centavos kada litro sa gasolina.

Ibig sabihin, bilyong pisyo anya ang bawat isang sentimo na labis na singil ng mga ito sa consumers.

 

 

 

Read more...