Sugatan ang hindi bababa sa 14 katao sa pagsabog sa dalawang granadang inihagis ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa peryahan sa bayan ng Esperanza, Sultan Kudarat kagabi.
Sa panayam ng Inquirer, sinabi ni Col. Lito Sobejana, commander ng 601st Infantry Brigade, naganap ang pagsabog dakong alas 8:20 ng gabi sa peryahan malapit sa munisipyo kung saan may ilang parokyano ang namamasyal.
Dalawang suspek na lulan umano ng motorosiklo ang naghagis ng dalawang granada granada bago tuluyang tumakas.
Ayon kay Esperanza mayor Helen Latog, nagdulot ng matinding panic sa mga tao ang dalawang pagsabog.
Sa ngayon, wala namang makitang dahilan ang mga otoridad sa posibleng motibo ng mga suspek upang pasabugan ang naturang peryahan.
MOST READ
LATEST STORIES