P3.1M na halaga ng high grade marijuana nakumpiska sa Pasay City

Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs NAIA ang P3.1 million na halaga ng kush marijuana na laman ng isang parcel na ipinadaan sa Central Mail Exchange Center (CMEC).

Ang parcel na galing sa California, USA ay idineklarang “Chocolate, Green Tea, Shirts, Black Tea” pero nang isailalim sa physical examination natuklasan ng BOC-NAIA Customs Examiners na kush marijuana ang laman ng parcel.

Naka-consign ang kargamento sa isang residente sa Marikina City.

Nai-turnover na sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga illegal na droga.

 

 

 

 

Read more...