Base sa inilabas na datos ng Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs, mayroon pang 14,404 na umuwing OFWs at non-OFWs ang nag-negatibo sa isinagawang RT-PCR tests.
Maaring makita ang listahan ng mga nag-negatibong Pinoy sa link na https://coastguard.gov.ph/images/2020_Files/RT_PCR/3_LIST_OF_ADDITIONAL_RT_PCR_NEGATIVE_RESULT_14404_FOR_21_2306H_JUN_2020_ID.pdf
Ang mga nasa listahan ay maari nang makipag-ugnayan sa PCG o OWWA personnel sa kanilang quarantine facility para maiproseso ang kanilang pag-uwi sa mga lalawigan.
Bibigyan sila ng quarantine clearance pagdating nila sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) o sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.