Largest single-day increase sa COVID-19 naitala araw ng Linggo ayon sa WHO

Iniulat ng World Health Organization (WHO) araw ng Linggo ang largest single-day increase sa kaso ng COVID-19.

Ayon sa WHO, sa loob ng 24 na oras ay nakapagtala ng mahigit 183,000 na bagong kaso ng sakit.

Ito na ang pinakamalaking single-day increase sa kaso ng COVID-19 simula nang mag-umpisa ang pandemic nito.

Ayon sa WHO, kabilang sa nakapagtala ng malaking bilang ng bagong kaso ang mga bansang Brazil, US at India.

 

 

 

Read more...