Antas ng tubig ng Angat dam muling nabawasan sa magdamag

Muling nabawasan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 188.45 meters alas-6:00 umaga ng Lunes (June 22) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 188.50 meters.

Nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 101.08 meters ngayong umaga mas mataas sa antas nito kahapon na 101.05 habang bahagyang nadagdagan din ang antas ng tubig ng La Mesa dam sa 75.55 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 75.48 meters.

Samantala, nabawasan naman ang water level ng Binga, San Roque, Pantabangan at Magat dams habang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Ambuklao at Caliraya dams.

 

 

Read more...